Thursday, 26 July 2012

Si Mang Purding.

SABONG.

Nagsimula ang infatuation ko sa bayan ng Leyte noong bata pa ako. May mini library kami sa lumang bahay namin sa Cubao at meron ditong isang malaking libro na "Philippines : It's Splendor and Glory". Wow. tuwang tuwa ako kapag binubuksan ko ang libro na ito dahil punong puno ito ng mga litrato na nagpapakita sa lahat ng magagandang lugar sa Pilipinas. Matagal ko ding pinagnasaang makapunta sa Cebu para makita ang Basilica ng Santo Nino at ang "Magellan's Cross". Hindi ako makapaniwala na ang isang krus na 400 years old na ay buhay pa at hindi pa inaanay (or so i thought).

Isa sa mga centerfolds ng malaking libro na ito ay ang San Juanico Bridge na nagdudugtong ng dalawang isla ng Samar at Leyte. Ang tinaguriang pinakamahabang tulay sa buong Pilipinas na 2 kilometro ang haba. Grabe. May mga parte pa ng tulay na nakapatong sa mga maliliit na isla. Ibang klase kako, kailangan ko munang makapunta dito bago ako kunin ni Lord.

Mataas talaga ang tingin ko sa isla ng Leyte na naging malaking bahagi ng ating Kasaysayan. Ang lugar na pinag-landingan ni General Douglas MacArthur noong World War 2 para bawiin tayo sa mga Hapon, Ang pinagmulan ni Imelda na isa sa mga pinakamakapangyarihang babae nung kanyang panahon at sa mga magagarang istraktura na ginawa ng mga Marcos nung kanilang panahon ng panunungkulan. Leyte, Isla ng Pangarap.

Nakakagulat naman na may isa pa palang dahilan kung bakit Isla ng Pangarap ang Leyte. Dito din pala nagtatago ang isa sa mga taong bahagi ng mga mahahalagang kaganapan sa Sabong noong panahon ng kanyang kasagsagan.

Papunta kami noon ng aking kasama na si Doc Claire Diaz sa siyudad ng Ormoc nang sumaglit kami sa ilang mga breeder ng manok sa Valencia. Isa sa mga tinigilan namin ay isang tahimik na lalake na kung tawagin ay si Purding. Noong una medyo isang tanong isang sagot lamang siya at napag-usapan namin kung kamusta naman ang kanyang pagmamanok. With any breeder, I figured the way through his heart would be through one hearty chickentalk.

I started probing what bloodlines he had, he mentioned Radios, Gilmores, Yellow-legged Hatches. He then mentioned that he used to go to all the big fights abroad during his heyday. I realized, this man was really well travelled and well versed when it came to gamechickens. He mentioned the huge pot at the Worlds Championships and the like. It was then that I knew we had connected. An old soul like his and a young inquisitive boy like myself struck the gold. We found common ground and he happily went on with his stories from then on. The chickentalk seemed endless.

Parang hindi na ata matatapos ang aming kwentuhan, dire-diretso. Napansin kong na-excite na din si Doc Claire kaya nagrequest na siya na ikutin muna namin ang manukan. Una naming pinuntahan yung kanyang mga breeding materials na halos lahat ay kuha sa Amerika. I especially liked the Radios and the Gilmore Hatches. Ang yabang ng tindig ng gilmore niya. I actually thought it was a leiper hatch pero I would stand by what they say it was. I also saw some oriental looking chickens there and was surprised to find out that it came from Les Melville. Naregaluhan din pala ni Bobby Boles ng manok itong si Mang Purding noong bumibisita siya dito sa Amerika. May iba nga daw na sumubok bumili ng manok kay Bobby sa halagang $3000 pero hindi napagbigyan, pero siya daw dahil nagustuhan siya ni Bobby ay napagkatiwalaan ng walang kapalit na pera.

Nabilib din ako nung tinanong niya ako kung maniniwala daw ba ako na 1960's palang ay may mga Duke Hulsey chickens na dito sa Pilipinas. Naisip ko bigla at naitanong sa kanya kung ito ba ay si "Dr. Javelona ng Pangasinan". Ang sinagot niya ay "Oo, si Raul! Kaibigan ko si Raul and he was one of the first people who imported Duke's chickens. Nabanggit din niya yung panahon na si Biboy daw ay natarian nung nagpapasabong pa ito sa kanyang bahay ay nandoon din siya noong mangyari yun. Apparently dati daw ay mayroong habit ang mga taga Negros na magpalakad pa sa ruweda na tanggal na ang baena bago ibitaw ang mga manok. Ito daw ang ginawa ni Biboy at bigla siyang syinapol ng manok na kanyang bibitawan. Ikinamusta din ni Mang Purding si Boy Jiao at gamit daw nito ang mga manok niya nung nagchampion ito sa World Slasher's noong mid 90's at itanong ko daw kung kamusta ang naging resulta kay Mang Boy nung mga broodfowl na pinadala niya dito. Sabi daw sa kanya ni Mang Boy na isa ito sa mga manok na naging responsable sa pagbalik ng mga BJ Greys sa limelight noong dekada 90.

Doc Claire then mentioned that Nene Abello knew Mang Purding and was one of the people who also got chickens from a certain Ray Westall (?) from New Mexico who happened to be another oil tycoon and you had to ride a helicopter to his place and back.

Who was this meek old man, who only had a few words to say when he wasn't sure he was talking to a fellow chickenman. He was there when a lot of sabong events were unfolding. Travelled extensively abroad, yet is here in Leyte with his chickens rather than basking in the limelight in the big circuits.

He is Prudencio "Purding" Conopio, one of the hidden gems of Sabong.



..... Pruding Conopio's farm in Leyte


No comments:

Post a Comment